Ndi ko tlaga malaman kung bakit nababanas, naaasar at naaalibadbaran ako sa mga gawi ng mga Hapon..
Wala naman silang naidudulot na masamang epekto sa akin ngunit may mga bagay talagang sadyang hindi natin maipaliwanag.
Isa na lang ang nabanggit ko sa taas.
Yung mga gawing yun na kinaaasaran ko...
1.) Nagpapaliit ng boses.
(bakit? eto.. malalaman mo..)
Nagkaroon ako ng pagkakataon na makapanood ng isang japanese drama...
Ok naman siya.. (ung kwento) pero ang isang napansin ko ung nanay sa palabas.. mas bata pa ung boses kesa sa boses ng mga babaeng kasing edad ko..
Pangalawang dahilan:
Ang ibang tao ay sadyang 'trying hard'.. ndi naman ito nababagay sa kanila ngunit talagang ipinipilit.
2.) Ang kanilang wika.
Bakit?. Aba'y hindi ko rin kayang ipaliwanag.
3.) Ang mga gawa nila na kung tawagin ay Anime.
Hindi ko ito nasasabi kahit kanino..
dahil kahit anong oras ay maaari akong harangin at gulpihin ng mga tinatawag na 'otaku' (natutunan ko sa aking mga kaibigan.. na ang ibig sabihin ay mga taong adik sa anime.)
Ang nakakainis sa mga bagay na ito ay ang kanilang mga mata.
MATA.
MATA.
MATA.
Ha?
Uhm. kasi. ano. Basta! ayoko sa mga Hapon.


No comments:
Post a Comment